De La Salle University
Ang De La Salle University ay isang Catholic coeducational na pribadong institusyon na itinatag noong 1911 ng Mga Brothers ng Christian Schools. Ang samahang ito ay itinatag ni San Jean-Baptiste de la Salle noong 1680 kasama ang misyon ng pagtuturo sa mahihirap para sa edukasyon ng mga bata upang maging kapaki-pakinabang silang mga miyembro ng lipunan. Bilang Patron ng Mga Guro, hangad ni San La Salle ang mga guro na “naghuhubog ng isipan, pumupukaw ng kalooban, at nagpapanibagong-buhay.” Ang misyon na ito ay buhay pa rin sa DLSU. Ang DLSU ay isang sentro para sa mas mataas na pagsasanay sa edukasyon na kinikilala sa kahusayan sa akademiko, mapanlikha at makatuturang pananaliksik, at kabahagi sa serbisyo sa komunidad.
Influence of the project on Institution
Ang pakikilahok ng DLSU sa proyekto ng ESTA ay kaayon sa Misyong Lasalyano sa pakikipag-ugnayan sa lipunan habang ibinabahagi namin ang parehong layunin na magbigay ng pantay na pagkakataon sa kalidad ng edukasyon. Bilang isang Center para sa Kahusayan para sa Edukasyon ng Guro, ang DLSU ay patuloy na gumagana patungo sa pagpapabuti ng epektibo at makabuluhang pamamaraan sa pagtuturo. Ang ESTA ay gagawa ng isang nauugnay na kontribusyon sa pamamagitan ng mga diskarte sa makabagong at pagkakaiba-iba ng proyekto sa pagtuturo ng agham.
Network – local partners
Dr. Lydia S. Roleda
Kumusta. Ang pangalan ko ay Lydia Roleda. Ako ay isang associate professor ng Science Education Department sa De La Salle University. Nagtuturo ako ng mga kurso sa pisika at pedagogy sa mga mag-aaral ng edukasyon sa agham. Ang pagkakaiba-iba sa silid-aralan ay isang napapanahong isyu, ngunit sa pangkalahatan, ay hindi pinapansin. Natutuwa akong maging bahagi ng proyektong ito na kinabibilangan ng mga guro at mananaliksik mula sa iba-ibang disiplina. Inaasahan ko ang isang produktibong pakikipagtulungan ng mga miyembro mula sa iba-ibang kultura sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kaalaman at karanasan.
Dr. Minie Rose C. Lapinid
Tawagin nyo po akong Minie Rose Lapinid. Isa po akong guro sa De La Salle University – Manila, sa departamento ng Edukasyon sa Agham. Isa akong guro sa Matematika. Sa pananaliksik, ang interes ko ay nasa pagtugon sa suliranin sa mathematika, sa pag-pose ng problem sa Matematika, sa service-learning o ang pag-aaral na may kasamang serbisyo upang matutuo, at kung paano magturo sa isang klase na ang mga estudyante ay naiiba sa isa’t isa. Para sa akin, ang Matematika ay kailangang kailangan sa mga kursong may kinalaman sa agham o syensya. Kung ang isang estudyante ay nahihirapan sa Matematika, ito ay maaaring magsilbing balakid sa kanyang pag-abot sa pinapangarap na karera. Nguni’t hindi ba’t mahirap sa isang guro kung paano nya matutulungang ang bawat estudyante kung sa isang klase, ang abilidad ng mga estudyante sa matematika ay iba’t iba? Kung kaya’t ako ay nagagalak na mapabilang sa proyektong ito. Nasasabik akong matuto sa mga kapwa ko guro para mabigyan ng pantay na pagkakataon ang mga estudyante sa tagumpay na kanilang inaasam.
Dr. Rochelle Irene G. Lucas
Ako si Rochelle Irene G. Lucas, Associate Professor sa Department of English and Applied Liguistics kan De La Salle University, Philippines. An sakuyang pagaadal nagiinteres sa language acquisition and learning (pagguda asin pagukod ki lenguahe), language documentation, bilingualism asin psycholinguistics. Bilang tagatukdo, importante na masabutan nyato an proseso nin pagukod kan satong mga estudyante nin huli ta ini nakakaapektar sa pagsabot bako sana kan mga consepto scientifico asin matematico kundi pati an saindang pagiisip asin paghiling sa kinaban. Kun kita muya makaformar nin mga isip critical, kita dapat magpuon sa pagfundar kan saindang abilidad linguistico amay pa sa saindang buhay.
Ms. Fritzie Ian P. De Vera
Ako si Fritzie Ian De Vera at ako ay kasalukuyang Pangalawang Pangulo para sa Lasallian Mission ng De La Salle University. Kasalukuyan din akong kumukuha ng degree sa Doctor of Philosophy Major in Educational Leadership at Management sa DLSU. Interesado ako sa pananaliksik para sa pagbuo ng mga programa para sa pamumuno at paghubog ng mga mag-aaral para sa edukasyon, espirituwalidad, at patungkol sa halaga ng pananampalataya at pagsisilbi na bahagi ng curriculum. Naniniwala ako na ang mga pamantasan ay nararapat na tumuon sa paghubog ng mga mag-aaral na may pagpapahalaga sa pagsisilbi at ihanda ang mga guro upang maging guro na may pagmamahal sa misyon.
Dr. Abdul Jhariel M. Osman
Ang pangalan ko ay Abdul Jhariel at ako ay isang assistant propesor para sa pamamahala ng edukasyon. Kasama sa aking interes sa pananaliksik ang pagsusulong ng patakaran, stratehiya, at mga mapagkukunan na batay sa ebidensya na sumusuporta sa mga guro at mag-aaral sa iba’t ibang mga kapaligiran sa pag-aaral. Naniniwala ako na sa pamamagitan ng internasyonal na pakikipagtulungan na ito maaari tayong makalikha ng mga makabago, inklusibo, at naaangkop na mga Science programs at pagsasanay. Alinsunod dito maaari tayong magtayo ng mga kapaligiran sa pag-aaral at mga sistema na tunay na sumusuporta sa ating mga guro sa agham at mga mag-aaral mula sa ibat-ibang socio-cultural background.





