Philippine Normal University
Ang Pamantasang Normal ng Pilipinas ay itinatag noong Setyembre 1 1901 bilang Philippine Normal School, at bilang unang mas mataas na edukasyon ng pag-aaral na itinatag noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano. Pinangalanang Dalubhasaang Normal ng noong 1949, at naging unibersidad noong 1991. Noong 2009, ang PNU ay itinalaga bilang Ang Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro sa ilalim ng Republic Act No. 9647. Mayroon itong apat na mga hub na itinayo sa arkipelago: Ang Technology and Livelihood Hub sa Timog Luzon, Ang Multicultural Hub sa Mindanao, Ang Indigenous Peoples Hub sa Hilagang Luzon, at Ang Environment and Green Technology Hub sa Visayas.
Influence of the project on Institution
Bilang Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro, isinusulong ng ESTA na simulan sa Unibersidad ang pambansang programa sa larangan ng kurikulum sa edukasyong pangguro upang makamit ang kalidad nito lalo na sa larangan ng siyensiya. Ang kurikulum na ito ang magsisilbing modelo sa mga programang pang-Agham para sa mga pre-service at in-service na mga Filipinong guro na kabilang sa mga Normal School at mga Institusyon ng Edukasyong Pangguro ng pamahalaan. Bukod dito, ang ESTA marahil ang maglalaan ng mahalagang kontribusyon sa Philippine IP (Indigenous Peoples) sa pamamagitan ng modelong balangkas at kurikulum pang IP para sa mga guro ng IP at upang suportahan ang pangunahing edukasyon (elemantarya at sekundarya) ng bansa.
Marie Paz E. Morales, PhD
Ako ay si Marie Paz E. Morales, isang propesor ng pag-aaral ng agham na nakatuon sa pagtuturo ng Pisika/Liknayan. Isa sa aking mga pangunahing interes sa pananaliksik ay ang pag-aaral ng agham sa pamamagitan ng mga katutubong kaalaman kabilang na ang pagpapanatili ng kultura, wika at ang iba’t ibang Pilipinong katutubong kaalaman kaugnay ang pagiging sensitibo ng kasarian at pagpapaloob ng ibat ibang panananaw at konteksto. Sa palagay ko mahalaga na ang agham ay itinuturo sa mga ganitong konteksto upang ang pag-aaral ng siyensiya ay maging isang makabuluhang karanasan sa mga mag-aaral.
Zenaida Q. Reyes, PhD
Ako ay si Zeny isang propesor ng Agham Panlipunan sa Pamantasang Normal ng Pilipinas kung saan ay nagsilbi ako sa iba’t ibang tungkulin tulad ng Pangalawang Pangulo para sa Pag-unlad ng Ugnayan ng Pamantasan, Dekana, at Direktor. Nakasama na ako sa iba’t ibang mga pambansa at internasyonal na pananaliksik sa edukasyon at nais kong makatulong sa kalidad ng edukasyon para sa lahat. Natitiyak ko na ang pananaliksik na ito ay makakapagbigay ng balangkas upang ang Edukasyong Pang-agham ay kakikitaan ng aplikasyon at pag-unawa dahil sa paggamit ng sosyo-kultural na konteksto ng lipunan.
Arlyne C. Marasigan, PhD
Ako si Arlyne, isang propesor sa Komparatibong Edukasyon (Hambingan ng Edukasyon), na may tuon sa kanayunan at agham na edukasyon. Bilang guro naniniwala ako na kailangan nating hubugin ang mga nag-aaral maging guro at mga kasalukuyang guro upang kilalanin at pahalagahan ang dibersidad ng kultura sa pagtuturo ng agham bilang disiplina sa edukasyon. Ang lipunan ay dapat na maging buhay na laboratoryo sa pagtuturo at pagkatuto ng mga konseptong pang-agham nang may paggalang sa panlipunan-pangkalikasan, panlipunan-pang-ekonomiko, panlipunang-pampulitikal at panlipunan-pangkultural na aspekto ng mga mag-aaral.
Ruel A. Avilla
Ako si Ruel, isang Associate Professor ng kemistri at edukasyong pang-kemistri. Sa kasalukuyan ako ay Direktor ng Sentro ng Pagpaplano at Katiyakang Kalidad sa Pamantasang Normal ng Pilipinas. Natatangi ang aking pagkahilig at dedikasyon sa edukasyong pang-agham upang higit pang makilala ang PNU sa internasyonal na pananaliksik. at higit pang mapalalim ang pakikipagtulungan at ugnayan sa mga pamantasan sa iba’t ibang bansa.
Crist John M. Pastor, PhD
Ako si Crist John M. Pastor. Nagtuturo ako ng kipnayan, haykapnayan, hayaghimuan, gayun din ng mga kursong pedagohiya sa College of Graduate Studies and Teacher Education Research. Naniniwala ako na ang mga mag-aaral ay mayroong ibat-ibang konteksto sa pagtuturo at pagkatuto, kung kayat mahalagang matuto sila mula sa mga karanasan ng bawat isa. Mahalaga para sa isang in-service na guro ang magkaroon ng kasanayan sa pedagohiya upang maipakita ng wasto ang mga konseptong pang-agham sa konteksto ng at maging higit na makabuluhan at may katuturan ang pag-aaral.
Ruth A. Alido, PhD
Ako si Ruth, isa akong guro sa pagtuturo ng Inglis. Ang pinag-aralan ko ay Applied Linguistics at interesado ako sa pag-aaral ng Discourse Analysis. Para sa akin mahalagang maunawaan ang paggamit ng wika sa pagtuturo at sa konteksto ng tutuong sitwasyong pangsilid-aralan. Para sa akin, mahalaga ring isaalang-alang ng mga guro ang kontekstong panlipunan at kultural ng mga mag-aaral sa paggamit ng wikang panturo.






